Add parallel Print Page Options

33 Gawin ninyong mabuti ang punong-kahoy at mabuti ang magiging bunga nito. O kaya naman, pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang magiging bunga nito. Ito ay sapagkat ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 O, kayong anak ng mga ulupong! Papaano kayo makakapagsalita ng mabubuting bagay gayong napa­kasama ninyo? Ito ay sapagkat mula sa kasaganaan ng puso nagsasalita ang bibig. 35 Ang isang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kaya­manan ng kaniyang puso. Ang masamang tao ay kumukuha ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso.

Read full chapter